News

Read the latest news and updates.

News round-up | August 2022

Written by Raniel A. Aragon

Lakas ng pamayanan, ipinamalas

Malapit nang matapos ang mga natukoy na community subprojects sa Eastern Visayas.

Ang pagpapagawa ng access roads, sea walls, river control structures, quarantine facilities, evacuation centers, at pagpapatupad ng iba’t-ibang cash-for-work schemes ay ilan lamang sa mga proyektong mag-aabot ng ginhawa sa mga residente ng 55 munisipalidad ng Region 8.

Sa mahigit na 700 na bilang ng community subprojects, inaasahang matatapos ang natitirang 283 community subprojects sa huling semestre ng taon.

Isa ang Open Drainage Canal subproject sa Biliran, Biliran sa patunay ng angking kasanayan ng ating community volunteers sa pangunguna at pamamalakad ng isang community subproject. Isa lamang ito sa mga resulta ng pagbibigay ng kalakasan sa kakayahan ng mga mamamayan sa laylayan ng ating lipunan.


Ugnayan ng pamayanan mas tumibay

Kasabay ng pagbubukas ng mga paaralan ay ang pagtugon ng Pilar, Bohol sa pangangailangang mabigyang solusyon ang kakulangan ng kanilang mga classrooms.

Sa ginanap na focused group discussion kasama ng kawani ng ating Programa, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng pamayanan upang maibahagi ang mga mahahalaga nilang natutuhan sa pakikiisa sa adhikain ng community-driven development (CDD). Ang mga kasanayan at katuruan na ating dala ay nagbunga ng pagpapatayo nila ng 3-classroom buildings.

Ayon sa Municipal Inter-Agency Council ng Pilar, Bohol, nang dahil sa malalim na pagkaunawa nila sa katangian ng CDD mas tumibay ang kagustuhan ng pamayanan upang makilahok pa sa mas maraming gawaing pangkaunlaran.


Iba talaga 'pag mula sa puso ang isang likhang sining

Naipakikita rin ng ating mga community volunteers ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng sining.

Sa idinaos na Mural Painting Contest ng KALAHI-CIDSS Region 2, iginuhit at binigyang kulay ng mga community volunteers ang kanilang karanasan sa pakikilahok sa ating Programa.

Dala-dala ng ating mga pintor ang kanilang mga karanasan at ekperyensyang itinuro ng KALAHI-CIDSS sa kanila. Nagsilbi itong inspirasyon upang mailarawan nila ang kanilang sakripisyo, hamong hinarap, at daan tungo sa tagumpay.

Naipakita ng ating mga katuwang sa kaunlaran ang halaga ng pakikiisa sa adhikain ng Programa kahit sa larangan ng sining.


Sama-sama tungo sa kaunlaran

Upang bigyang pagkilala ang tagumpay ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2P), pinangunahan ng DSWD Region IX at KALAHI-CIDSS National Program Management Office ang BP2P Convergence Activity na may temang “Sama-samang Pagkilos Tungo sa Bagong Pag-asa”.

Layon ng pagdiriwang na ito na bigyang pagkilala ang mga pamilyang nabigyang tulong at nabigyan ng bagong pag-asa ng ating Programa. Kasama rin dito ang mga tanggapan ng pamahalaang kaisa natin upang masiguro ang kaginhawaan sa mga pook-rural at mapainam ang mga inisyatibo tungo sa pagkamit sa matatatag at malalagong pamayanan.

Naging sentro ng pagdiriwang ang Zamboanga City dahil karamihan ng natulungan ng BP2P ay nagmula rito.

Kasama sa pagdiriwang na ito ang live na BP2P housing turnover ceremony sa Kalawit, Zamboanga. Katulong ng Department of Information and Communication Technology, realtime na naihatid at natunghayan ng ating mga panauhin ang pagbibigay ng bahay sa mga piling benepisyaryo ng BP2P.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated

ABOUT GOV.PH

Learn more about the Philippine Government, its structure, how government works, and the people behind it


GOV.PH
Open Data Portal
Official Gazette